Pangalagaan ang pangalan at reputasyon

Posted on at


 

Alin ang mas mahalaga sa iyo : ang integridad ng iyong pangalan at pagkatao o ang mga bagay na pag - aari at gusto pang makamtan ?

Sa kasalukuyan henerasyon,sinasabing huli na ang isang tao sa technology o fashion kapag walang latest unit ng tablet,smartphones,laptop,branded bags,accessories,hybrid cars lalung lao na dito sa Japan. Para sa mga Hapon ay kayang kaya nilang siguro bumili ng mga nasabing gamit. Ngunit para sa ordinaryong dayuhan kagaya natin mas prayoridad ba natin ang mga bagay na ito kaysa sa isang simpleng pamumuhay ?

Marahil ay hindi prayoridad dahil sapat na sa atin na makatapos ng pag - aaral ang mga anak o ang kapatid,magkaroon ng sariling bahay at makapag-abot kahit kaunti sa ating mga magulang.Ngunit kung may nakita tayo sa ating mga kaibigan o mga kasalamuha ay naeengganyo ba tayong gumaya, "di bale nang mangutang o magtrabaho hanggang magkasakit magkaroon lang ng latest gadget ? 

YOUR STUFF DO NOT DEFINE YOU. YOU ARE NOT YOUR THINGS. Where do you get your worth ? Don't get your worth from what you have -- acquisition ,from how you look -- appearance , and from what other people say -- approval . Get your worth from who you are and what you are becoming.  PROTECT YOUR NAME .

Ang kahalagahan ng isang tao ay hindi nadadagdagan sa kanyang mga pag-aari ,hindi sa kanyang kaanyuan ,at lalong hindi sa pag -ayon ng ibang tao sa kanya. Ang kahalagahan ng isang tao ay kung ano ang kanyang tunay na pagkatao sa mata ng DIYOS at magagandang pag-uugali na nagpapabago sa kanyang sarili at kanyang kapwa.Kaya mahalagang pangalagaang maging malinis at panatilihing walang bahid ang ating sariling pangalan .

PAANO NAMAN MAPAPANATILING MALINIS AT WALANG BAHID ANG ATING SARILING PANGALAN.. Ito po ang maikli kong panuntunan :

SIKAPING MAGING ISANG MABUTING ANAK NG DIYOS .. " the true secret to success is to live a righteous life because dishonesty, cruelty,  and  immorality follow you throughout your career, and it is far more difficult to shed than any failure we will ever have.....JUST BE GOOD, DO RIGHT AND TREAT OTHERS FAIRLY.

HAVE A WORD OF HONOR

BE SURE TO PRACTICE WHAT YOU PREACH

GIVE CREDIT TO WHERE CREDIT IS DUE

 

Paalala lang po na walang taong perpekto,kabilang na ako. Kaya huwag kayong mag-alala basta ang layunin lang natin ay pagsikapang unti - unting magbago araw-araw.

 

 

 

 

 

 



About the author

160