Ako na ang selfish na ka-bit. Ngayon na nga lang ako makakabawi sana ng konti, pagboblog pa ang inatupag ko. Feeling ko kasi I need to explain eh. Pwede naman siguro yun no? Kung si Napoles nga pinapayagan magexplain, si Geetwo pa kaya?
Anyway, Plano ko originally ay hindi ko lalagyan ng decorashun ang blog na ito kasi nakamobile ako eh and very hasslehoff (non-beki translation: hasslehoff = nakakapagod... pwede din gamitin ang pagoda cold wave lotion) pa maglagay ng decorashun kapag mobile. Kaya nga nung pers taym ko gumawa ng blog na naka mobile walang kaetchos-etchos yung blog. (As usual click on the link kung gusto mo mabasa yun)
Pero dahil gusto ko makabawi sa inyo kahit papano, nageffort akong lagyan ng decorations itey. Eh kaso ang nakatambak na doodle sa ipad ay itong mga ebs doodle at tinatamad na akong gumawa ng bago kaya ayan na lang. Haha. Sorry ebs nanaman. Aminin mo mga cute na ebs naman. Oh di ba may ebs pala na cute.
Tignan ko nga ebs ko sa susunod para i-check kung cute ba ebs ko. (Oo naka bold and underline yan kasi sa dami dami ng sinabi ko ditey gusto ko yan ang takeaway message ko for you. Yun ang mental image na gusto kong tumatak sa isip niyo: yung pag tingin ko sa bowl after umebs para mai-spottan itsura ng ebs ko)
Anyway, sorry ka-bits, sobrang busy pa talaga ng life ko sa ngayon, pero at least wala na kaming chakit ditey. Mejo nasobrahan lang mga tinake-on ko na responsibilities (may ka-ching na kapalit eh naiintindihan nyo naman na importante yun sa life divah?) kaya nawalan na ng time mag-bit. Andami ko pa namang plans. May nagawa pa ako na bookmark list ng mga kakulitan ko tapos gusto ko pa i-welcome ang mga bagong ka-bits. Dami ko ding topics na gusto i-blog. May mga nakatambak pa na doodles and pics sa folder ko.
So yun lang po, hindi muna ako magppromise kailan ako babalik ng todo, basta for now pa post ng pakonti konti at pabisita sa isa o dalawa lang sa mga nakabookmark ko per day (tapos pag natapos ko siya, back dun sa start ng bookmark list para bonggels) at sa newbies kung may time pa. Alam ko madami na akong ganitong klaseng blogs na puro dahilan kaya tenk you talaga kasi pinagbibigyan nyo pa din ako kahit puro absent. Kung school pa itey na kick out na ako sa dami ng absences.