I'm back mga ate at kuya! Haha! Kung maka-"I'm back" akala mo ang tagal nawala eh nandito din naman ako kahapon. Sa mga hindi nakaramdam ng presence ko kahapon. Sorry naman, may today and tomorrow pa naman. Relax lang plis. Haha.
Anyway, ang blog ko ngayon ay continuation ng blog na itey: Blog Tungkol Sa Nursery Rhymes. Basahin mo na lang yan (by clicking on the link shempre) kung hindi mo magets kung bakit mainit ang dugo ko sa mga nursery rhymes characters. Sa ngayon, itutuloy ko na ang reklamadora mode ko. At wag nyo na pansinin ang question marks na sobrang dami, ganyan talaga ako magreklamo, patanong. Haha.
Mary Had A Little Lamb
Ito ha. Kaloka itong si Mary. Saan ka naman nakakita na ang pet eh lamb. Lamb talaga ateng? Hindi pwedeng aso, pusa, isda, ipis? Kailangan lamb? At kailangan bitbitin sa school? Wala bang rules and regulations ang school niyo? Wala bang guard na nagsasabi na bawal ang pets? May ID ba yang lamb mo? Diba dapat no ID, no entry?
Baa Baa Black Sheep
In fairness hindi ako galit kay black sheep. Narealize ko na hindi naman pala siya masama. Sino ba kasing nagpauso nung masama ang black sheep? Eh nasobrahan nga ng bait si black sheep eh. Sa sobrang bait kung kani-kanino na lang pinapamigay ang wool nya. Everyday is Christmas day ang peg.
Three Blind Mice
Shempre kasali ito. Kaya nga mga daga ang paragraph separators ko eh. Oo, daga yan! Wag mo na laitin, alam ko parang pinaghalong computer mouse at totoong daga ang itsura nila pero maniwala ka na lang na daga sila. At bulag din sila, kaya nga may question mark sa ulo nung isa kasi hindi niya alam kung san siya pupunta. Ang dalawang daga naman sa likod niya, mga uto-uto susunod sunod pa, shunga lang eh. Susunod ka na rin lang sa kapwa mo pa bulag.
At ano pala ang point ng nursery rhyme na itey? Bakit kailangan nating obserbahan ang mga bulag na daga? Alam na nga na bulag, hahayaan pang tumakbo takbo na lang? Hindi ba animal cruelty yun? Kasi alam naman nating matetegi sila eventually sa pagtakbo takbo nila kasi nga bulag sila! Pero bagay, sino nga namang gustong mag-alaga ng bulag na daga. Buti sana kung bulag na aso o pusa, pero daga? Pass ako jan. Ikaw baka gusto mo.