Oh di ba mga ka-bits, memorize ko pa tlga kung ilang beses na akong nagblog ng nakamobile. Paano ko ba naman makakalimutan eh napaka-unforgettable na experience ang magblog ng nakamobile noh!
Kasing unforgettable ng first time... First time um-ebs sa hotel. Kaw tlga, kung anong first time agad nasa utak mo eh may warning na nga na tungkol sa ebs eh! Pero promise, unforgettable para sa akin ang first time ko nag-ebs sa banyo ng hotel.
Naalala ko pa, 2nd year high school ako nun, sinama ako ni mudra sa Edsa Shangri-la Hotel kasi doon nagstay ang Malaysian friendship niya na nagbakasyon ditey sa Pilipinas. OFW kasi dati si mudra at ang friendship niya na Malaysian ay nakapagasawa ng lalaking madaming dollars kaya nung dumalaw sa Pinas si madam Malaysian, sinolo niya yung mamahalin na room sa Shangri-La Hotel.
So ayun, pinuntahan namin siya sa kanyang bonggang suite, at ako ay nalula sa ganda ng room. 2nd year HS na ako nun at alam ko dapat mejo pademure na ang asal ko pero grabe, nga nga talaga ako nun. Kaya habang si mudra ay busy sa pakikipagchikahan sa kanyang friendship, naisipan kong i-explore ang banyo.
Kung ico-compare ko siya sa mga banyo ng mga napuntahan kong hotels ngayon, eh hindi naman siya out of the ordinary. Pero siyempre, first time ko pa makakita ng banyo ng hotel nun eh kaya tuwang tuwa ako. Sa sobrang tuwa ko, ayun, naisipan kong mag-iwan ng marka ko. Haha, parang aso lang.
Pero dahil ako nga si g2 na mejo kakaiba ang takbo ng utak, hindi lang weewee ang ginawa ko. No, special moment yun eh, dapat ebs. Kaya kahit hindi naman ako sobrang naeebs nung panahon na yun ay pinilit ko pa din sarili ko. Oh ha. Lakas lang ng trip. Pasalamat na lang si madam Malaysian na finlush ko naman ang iniwan kong marka.