Hindi lamang tag - init dapat gumamit ng UV o Ultra Violet Lotion or ang may tatak na SPF . Dapat mababae o lalaki man , dapat gumamit nito kahit umuulan man , kasi sa tag ulan may UV rin .
Paano ba kayo gumamit ng UV spf lotion ? Alam nyo ba na hindi tatalab agad ang lotion na ito kung gagamitin o magpapahid sa mukha o katawan, at bigla na lang kayong lalabas ng bahay o magsuswimming ? Sayang ang lotion pag ganyan ang timing ng paggamit nyo .
Dapat nasa bahay palang kayo magpapahid agad , mga 15 ~ 30 minutes , saka palang kayo pwedeng lumabas o mag swimming .. Kasi sa oras na yan effective ang ipinahid nyo sa mukha at katawan .
Ang isa ko pang tanong , Gaano kayo karami maglagay ng lotion ? Dapat huwag manipis ang lagay , damihan ang lagay sa mukha at katawan para epektibo . Kaya yung iba nagtataka , bat umitim daw agad sila , eh naglagay naman ng lotion .. Kasi nga Mali ang para an ng paggamit nito .
O sige , yan lamang muna ang maibibigay kong tips sa inyo para maprotektahan nyo ang mga malaporselana nyong balat . Pangalagaan natin dapat ang ating sarili at katawan , para iwas sa sakit sa balat at mapanatiling malusog at maganda sa paningin mo at paningin ng taong nasa paligid mo .