Nagpunta akong mag isa sa TOKYO DISNEYSEA kahapon . Nag bus ako at tumagal ang viaje ng 20 minuto kasi pahinto hinto sa bawat route o station para magsakay at baba ng pasahero . Pero kung sariling sasakyan ang gagamitin , mga 10 minuto lamang ang layo namin sa DISNEYSEA.
Pagdating ko sa DISNEYSEA , habang hinihintay ko pagdating ng Tito at Tita ko 、May isang dayuhang pasaway . Habang nagpapakuha sya litrato , umaakyat pa sya sa di dapat akyatan kahit pinagbabawalan na , dedma sya .
Tapos , may payong syang nakapasok sa loob ng bag na nakalagay sa kanyang likod , nakalitaw ang mahabang payong , pinagbawalan ule kasi delikado , marami nga namang tao baka makatusok ito ., Pero tuloy tuloy pa rin sa paglalakad ang dayuhang ito kahit hinahabol na sya ng staff ng DISNEYSEA ... Babae ang staff na humahabol sa pasaway , Hindi Nya naabutan kasi tumakbo at hindi sya pinansin ng lalaking dayuhan .
Hay naawa ako sa haponesang babae na nakipag habulan , huminto na lang sya sa paghabol kasi napagod na siguro kasi mabilis kayang tumakbo yung dayuhang yon , tsk tsk tsk , kakahiya ka dayuhan , wala kang manner .