Ayon sa tatlong sources na eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Martes, April 14, maraming pagkakatulad sina Mayor Herbert at Jasmine.

Pareho silang TV personalities, naging artista, single parents, at politicians.

At ang mga pagkakahawig nilang ito ang sinasabing naging daan upang mag-click ang dalawa sa una pa lamang nilang pagkikita nito lamang second week of April sa South Korea.

 

SIMPLE AND INSPIRING. Ang unang source ng PEP ay personal na kakilala si Jasmine, na una niyang nakilala sa isang dinner noong 2014.

Ayon sa source na ito, isang "inspiring woman" si Jasmine.

Nagsusulong daw kasi ito ng mga adbokasiya upang labanan ang negatibong tingin ng Koreans sa multiculturalism.

Kuwento pa ng source tungkol kay Jasmine, “She’s really smart and her story is really interesting. I found it really interesting.

“She’s from Davao, simpleng tao lang.

"And then, nakakita siya ng magiging asawa niya, who is Korean, then kinukuwento pa niya nung paano siya niligawan.

“Baklang-bakla yung dating niya. So, madali mong makasundo.

"Anyone could get along with her, she is so down-to-earth."