Ang ASAHIKAWA ay isang lugar sa HOKKAIDO , ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Isla .
Dahil mayaman ang mga kagubatan ng ASAHIKAWA sa matitibay na OAK , ang paggawa ng mga produktong kahoy ang isa sa mga pangunahing ipinagmamalaki ng ASAHIKAWA .
Mainam ang mainit at malamig na panahon nito sa pagpreserve ng magagandang uri ng kahoy . Maraming kahoy ang dinadala pa rito mukha sa ibang bansa para lang i - preserve .
Kilalang pang export ang mga produkto ng ASAHIKAWA . Maraming malalaking kumpanya ang nagma - mass produce ng iba't ibang produktong kahoy mula sa maliliit na gamit sa bahay tulad ng mga Plato at baso hanggang sa malalaking muwebles tulad ng lamesa , couch , cupboard , at cabinet .
Mayroon din na maliliit na mga specialty shops na gumagawa ng mga souvenir tulad ng mga card case , tissue holder at wine stands .