Reminding Myself of My Sariling Motto

Posted on at


Minsan, nadedefocus tayo dahil sa mga bagay na dumarating na di natin inaasahan na aagaw ng bongga sa ating atensyon, na may "bonggang impact". Wow, defocus talaga ang term? Haha... Oo, dumating na ako sa point na libang na libang ako or hibang na hibang?

Sa point nglife na yan, dahil may napakabuting nasa taas, bigla Nya tayong pinaaalalahan. Pag di ganun ka"seryoso" ang case natin, simpleng tapik lang ang ginagawa Nya. Pero pag "major-major" (tulad ng sabi ni Venus), aba kasakit na palo ang natitikman natin. Agree ba kayo?

Ilan times ko na naexperience yang tapik Nya na yan. At yung masakit na palo ay honestly, two times ko na naramdaman. Kaya ayan, marami na ako natutunan. Saka, alam na alam ko naman kasi na He communicates His heart sa pamamagitan ng ating experiences, kaya pag minsan na may nakakalimutan ako, agad ko ding narerealize ang dapat maalala. Kaso minsan nakakadisappoint ako eh. Nakakalimot na naman ako minsan. Muntik ko ba naman makalimutan yung sinasabi kong dahilan ng mga seryoso at mabigat na decisions nung 2013. Kaya umabot na ako sa paggawa ng sarili kong motto. Naisulat ko na ang tungkol sa motto ko na yun sa bula. Kailangan ko kasi ng laging paalala.

Ikaw, may motto ka ba para sa sarili mo?

Ang nasa picture po ay ako wearing my brother's shades. :D


TAGS:


About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160