Sa lugar ko dito sa Japan ヾ(@⌒ー⌒@)ノ

Posted on at


Marami talaga sa atin na pangarap makapunta ng Japan..marami kasing historical place dito .. Syempre may Sakura o cherry blossom din na makikita. May Disneyland at Disneysea rin..

Hindi ko akalain na dito pako maninirahan malapit sa Tokyo Disneyland/ Disneysea.Pwede akong magbisikleta kung gugustuhin ko as in ganong kalapit..Kung sasakay naman by car ,mga 10 minuto lang ang viaje..Ang lapit di ba? Araw araw naririnig ko ang tunog ng fireworks bandang alas otso ng gabi.. Hindi na mabilang kung ilang beses na ako naka pasyal kay Mickey at Minnie .. 

Syempre hindi naman pwede madalas ang pagpunta, ang mahal kaya ! hehehe.Naiisip ko lang na bumisita uli pag may bagong atraksiyon o event,para hindi boring di ba?

Maraming disney resort at hotel na nakapaligid sa lugar namin.May Oriental hotel, Sheraton, Mitsui Garden, Brighton , Okura hotel at marami pang iba ..Kaya dito sa lugar namin .Oh my God ang mahal ng mga bilihin..Sabi nila bat dito kami napadpad lol! Kasi maganda ang lugar,malapit sa lahat,sa hospital , train station,school , universities , mall.

Hindi porket maganda ang lugar , hindi na ko magbabudget,Kailangan na magbudget syempre at mahusay ako dyan.Alam ko ang halaga ng pera ,dapat na gamitin Ito ng maayos ..Hindi pwedeng maging maluho sa lahat ng bagay..Baka mamaya kakagastos,nakatunganga ka na sa ibang araw. 

Dito sa Japan,oo masarap ang buhay ,maraming trabaho, Pero mahal ang mga bilihin..Hindi pwede ang tatamad tamad sa mga Hapon,unang priority kasi nila ay ang trabaho..Kaya Makikita mo naman ang bansang Ito na pinagpala..Madisiplina ang mga hapon kaya pati paligid dito malinis .

 

Mga kaibigan ,bro and sis , pagpupunta kayo dito sa JAPAN, Balitaan nyo ko ha at pasyal tayo sa Disney kasi malapit Lang sa Amin eh hehehe..



About the author

160