Sa Tiangge o Sa Mamahaling Damit?

Posted on at


Ikaw ba yung taong tumatangkilik sa mga Tiangge o Sa Mamahaling Damit (Branded)?

Ako yung taong kuripot sa sarili. Pag bibili kasi ako ng bagay para sa sarili ko, sa presyo muna ako tumitingin bago sa mismong bagay na iyon. Ay nako! Sayang kaya pera noh. Bakit pa bibili ng mamahaling damit kung pwede namang bumili sa Tiangge, Divisoria, o Baclaran. Diba? HAHA. Pero pag pagkain ang usapan, aba go lang! At least yung pera ko napupunta sa pagkain. Busog pa ko! Haha. Sa totoo lang, puro sa pagkain napupunta pera ko. Kahit mahal, binibili ko basta masarap.

 

Kanina, first time namin mamili sa SM ng ganyan karami. (Hindi talaga kami namimili sa SM except sa Food court, Fast Food Chain at National Book Store). At dahil wala talaga akong pera ngayon, ayun nagsilbing alalay ako ng dalawa kong kapatid. Galante sila eh! Pero kahit naman may pera ako, hindi rin ako bibili eh. Nakakahinayang! HAHA. Ganyan ako kakuripot sa sarili.

 

Habang namimili yung dalawa kong kapatid sa Bench, tumingin-tingin ako ng mga relo at nagtanong ng presyo. E kaso nung may narinig akong "Thousand", napa-thank you nalang ako. Kaya umalis na ko dun. HAHA ang mahal! Tapos ito namang si mama, tinanong yung presyo ng ibang relo, yung nagustuhan nya na triple pa sa mahal nung nagustuhan ko. Aba! Akalain mo yun! Hindi ko inexpect na bibilhin nya yun para sakin. Nagulat talaga ako kasi minsan lang rin yan bumibili ng mga branded stuffs, gaya ko. Mana-mana! Sabi ko pa nga dun sa Sales staff na ibigay sakin yung pinakamura kaso si mama mapilit na yun bilhin. Edi okay, pabor! haha. (Siguro narealized nyang nakakaawa ako kasi yung mga kapatid ko busy sa pagbili ng mga damit)

Yang nakikita nyo sa taas na picture, di ko pa naranasan bumili ng ganyan para sa sarili ko. Pero panregalo, oo naman. Di talaga ako bumibili ng mamahaling damit. Halos lahat dyan sa kapatid kong bunso. Bench and Spencer kasi brand nya. E ako? Tiangge Brand. haha. Pinakanalula ako sa price, yung Adidas eye glasses ni kuya. Grabe lang! (Pero isa rin yan sa kuripot. Once in a blue moon bumili)

Ito yung regalo sakin ng mama ko~ Salamat Ma!

 

P.S Wag magsayang ng pera. Ibili lahat yan ng pagkain, Busog ka pa! haha

P.P.S Oo nga pala. Pati pala Hello kitty items, binibili ko kahit mahal. Wala eh! Mahal ko kasi sila.

P.P.P.S Salamat sa may pake!

P.P.P.P.S Madaming P. haha



About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160