15 taon gulang na sya, dalaga ng maituturing sa pisikal at sa ibang kilos.
Ngunit dalaga mang matatawag marami pa rin di alam gawin at di nauunawaan sa buhay.
Bata pa rin maituturing na dapat nasa poder pa ng Nanay at Tatay ngunit sa wari nyay dalaga na sya at umiibig na, nais nya ay maging malaya.
Sawa na sa ugoy ng duyan ni Nanay, tila ayaw na ng lambing, at pangaral.
Di nya alam kailangan nya pa din ang kanyang mga magulang lalu na ang kahalagahan ng isang Ina,
Pagkat ang ang pagmamahal, kag aaruga at pagkalinga ng isang Ina ay habang buhay.
Nais ka lang itama ni Nanay at gabayan sa tamang landas kung kayat sya'y walang tigil sa pangaral o pag bilin ng dapat mong gawin at ikilos, na parang pag ugoy ng duyan nakakapagod mang gawin ngunit itutuloy paring gawin para lamang masiguradong maayos ka para sa kinabukasan kay ganda.
Ngunit ikaw na anak ay tila sawa na, wala nang magagawa ang iyong ina kundi tignan kang palayo habang tumutulo ang luha.
Ang sanggol ko noon, dalaga na ngayon sawa na sa ugoy ng duyan ko.
Personally written & compose by Bernalyn3g for Garlyn