Selos dito, selos doon!

Posted on at


 

Selos dito, selos doon. Sorry naman ha!

 

SELOS~ Hindi naman dapat magselos pero nagseselos. Tss! Minsan wala na sa lugar eh. May makausap lang syang kaibigan na babae lalo pag single, selos agad! Ang babaw, diba? Pero di naman big deal masyado. Pinapalagpas ko lang mga ganun. Sinasarili ko nalang minsan. Ayoko naman na parang nasasakal sya!

 

Hindi lang ako selosa sa boyfriend, selosa din ako pagdating sa kaibigan. Weird, right? Ikaw din ba ganito? Pero pag nagselos ako sa kaibigan, di ko na sinasabi. Wala naman kasi ako karapatan. Hmm kung nabasa mo yung post ni sis Dianne, yung tungkol sa Athazagoraphobia, tumpak na tumpak sakin yung sinabi nya. Basahin mo nalang din. Isang Trivia din yun!

 

SELFISH ~ yan na ata ako. Gusto ko ako lang kausap ni Boyfriend. Hindi naman sa wala akong tiwala. Takot lang ako na baka sa sobrang pagtitiwala ko e, may mga nangyayari na pala na hindi ko alam. Gusto ko din ako lang bestfriend ni bestfriend. Gusto ko ako unang nakakaalam ng mga nangyayari sa buhay nila. Kaso tao lang tayo, may kanya-kanyang buhay.

 

Ganito ako pag nagselos:

1: Nagselos. Mag-oobserve. Sasarilinin muna

 2: Sasabihin na kay boyfriend na nagseselos.

3: Pag walang nangyari, hintayin ang revenge!~ Lol di ko pa to nagawa. Boss eh! haha

 

Ikaw, paano ka magselos? Lahat naman seloso at selosa diba? Iba-iba lang ng level.

 

P.S. Kaya ko lang naman to pinost kasi nasa stage 1 ako. tsk

P.P.S Salamat sa may pake!~


TAGS:


About the author

PinkCat

Choose to be happy! ^___^

Subscribe 0
160