Ang "Setsubun" ay ginaganap bago ang tagsibol o spring dito sa Japan.
Tinatawag din itong "MAME MAKI" o sa ingles ay Bean-Throwing..Idinaraos ito taon taon ng February 3 na bahagi ng pagsalubong sa Spring Festival o Haru Matsuri sa wikang hapon.
Ang paghahagis ng "roasted peanuts" ang ginagamit sa paghagis o pagtaboy sa kamalasan o pagsalubong naman sa kabutihan o ang tinatawag nating swerte .
Kagabi ginawa namin ito sa loob ng bahay.Kumain ako ng maki sushi ng Walang hinto ( Kasi bawal na kausapin ang kakain ng maki sushi habang kumakain ang gagawa nito )..Pag nakain mong lahat ng derecho ang maki sushi ay bibiyayaan ka ng maayos na kalusugan itong taon na ito o Ibig sabihin ay hindi Ka magkakasakit.. Pagkatapos nito ay kumain ako ng roasted peanuts ayon sa bilang ng aking edad.. Yon ang tradisyon nila dito.
Matapos kaming kumain..Inihanda na namin ang roasted peanut para gamitin naman sa pagtapon nito sa loob at labas ng bahay..Sa bawat hagis ng Mame o peanuts, Kailangan na may sasabihin na salita o kataga.
"In with Fortune! Out with Evil" o sa salitang hapon ay "Fuku wa uchi ,Oni wa soto" ang dapat na salita o katagang bibitawan. Magtatapon o ihahagis mo ang Mame o roasted peanuts sa loob ng bahay na banggit ang FUKU WA UCHI at ang pagtapon sa labas ng peanuts ay sasabihin naman ang ONI WA SOTO.