Nakaisip lang ako mag-blog ngayon ng ganito dahil ang saya saya ko talaga. After ilang years, buo ulit ang family ko sa hapag-kainan. Naiiyak ako kahapon.
.
Sa mga taga-bula, naaalala nyo ba yung article ko noon na kasama sa list ng "10 things I no longer do (but used to do)" yung nalulungkot at naiiyak everytime na makakakita ako ng victory liner buses? Ang weird noh pero totoo yun. Di ko rin maintindihan pero siguro dahil yon sa bata pa lang ako, lagi ako umiiyak pag nakikita ko na sumasakay ng bus ang erpat ko. Sa amin kasing mahihirap, di uso ang sundo-hatid sa airport. Grabe kaya ako makaiyak pag aalis sya. Parang di na ako nasanay. Every after two years siya umuuwi. Buti na lang, two years ago, nawala na ang "weird thing" na yon pag nakakakita ako ng Victory Liner Buses. Buti naman, eh matanda na ako. Saka pano na lang pag ganun pa din, tapos biglang nagsabay-sabay ang mga bus ng Victory Liner. Eh di, patay na ako.
Ngayon, talagang napakasaya ko. Napaaga ang uwi nya (supposedly next month pa ang bakasyon nya), kaya talagang masaya ako na andito na ang tatay namin. Nitong mga nakakaraang taon kasi, di nasunod yung pag-uwi nya matapos ang 2 taon, kaya medyo matagal talaga namin syang di nakasama.
Ilang weeks lang sya dito sa Pilipinas, kaya sinusulit ko na yung times na kasama namin sya.At ayun kaya di ako nakapag-Bit kahapon.