Si Manong Drayber Na Inangkin Na Lahat Ng Amoy!!!

Posted on at


Isang mabilisang kwento lang ito. Kailangan ko lang kasing i-share. Nagtricycle kasi ako mga ka-bits, tapos ang pwesto ko eh sa harap ng tricycle, yung nasa tabi ng driver. Eh yun yung tipo ng sakayan na punuan so naghintay kami ng ibang pasahero. 

Habang naghihintay kami ng pasahero, nasa labas lang si manong drayber, hindi pa nakasakay si kuya sa motor ng tricycle. Pero kahit hindi pa siya nakasakay, nagulat ako nung humagin eh nasampal pa din ako ng matinding body odor ni kuya. Oo, sampal talaga.

Pero naisip ko saglit lang naman ang biyahe, tiisin ko na lang. Dahil siguro sa B.O. ni kuya eh naging impatient ako, sabi ko pakyawin ko na lang yung ride (meaning bayad ng mas mahal para solo ko na ang tricycle instead na maghintay mapuno) kahit usually eh ayaw kong mamakyaw kasi kuripot ako.

Aba naloka ako nung sumampa si kuya sa tricycle eh nakalanghap naman ako ng amoy paa. OO, AMOY PAA. Aside from the BO may amoy paa pa na kasama. Ang tindi diba? Nashock ako eh. Pero hindi pa diyan nagtatapos ang lahat. 

Ang pinakamatinding paglalapastangan ni kuya sa ilong ko eh nung tinanong niya kung papayag ba ako na 40 ang ibayad ko. Hindi ako sa presyo nagulat mga ka-bits. NO. NO NO NO NO NO. Ang hindi ko natanggap eh, kahit hindi naman kami magkadikit na magkadikit ni kuya eh, pag salita niya, aba, bad breath pa!!! 

Yun na. Yun na ang last straw. Hindi ko nakayanan. Hindi ako sumagot at bumaba na lang ako. Akala ata ni kuya eh nashock ako sa presyo at naririnig ko pa siya magsabi na kahit 35 na lang payag na siya. Pero wala na. Hindi na ako humarap pang muli.

Dere-derecho ako ng paglakad at naghanap na lang ng tindahan na nagbebenta ng kendi. Doon na din ako nagpalipas ng oras para pag balik ko sa sakayan ng tricycle eh sigurado na na wala na doon si kuya na 3-in-1 ang baho. Ayun. Ayun ang matinding experience ko kaya ngayon ay mejo hilo hilo pa ako.

Tapos hindi pa ako makapagupload ng pic sa blog kaya namili na lang ako from my gallery. Ayan na lang, mukhang tubig. Mukha kasing hindi alam ni kuya 3-in-1 na ang tubig ay hindi lang iniinom, nagagamit din pang mumog at ligo. Para sa iyo yang picture na yan manong drayber. Sana maging friends kayo ng tubig in the near future.



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160