Slackline experience @ Quezon City Circle Memorial Park

Posted on at


Nasubukasn mo na ba yung tinatawag na Slackline, ito yung para kang nag ci-circus, tatawid ka sa lubid. Sa unang tingin akala mo easy lang tumawid sa lubid pero pag ikaw na yung tatawid, mapapapikit ka na.

                Sa hindi inaasang plano , naisipan kong mag jogging sa Circle Memorial park sa Quezon City, lagi akong handa lagging nasa locker ko ang running shoes ko. Inaya ko ang ka trabaho ko , and Thank God pumayag sya kaya hindi ako alone.

                Nakagawian na naming sa tuwing pagkatapos mag jojoging ay pupunta kami sa gym equipments na nasa loob lang din ng park matatagpuan, libre ito, para ka na ding nag gym ngunit sa minamalas nga naman, hayun walang vacant na gym equipments kaya tumayo na lang kami. Habang nag hihintay ng magkarron ng vacant may nakita akong bago sa paningin ko, may nakita akong lalaki na tumatawid sa lubid hindi naman sya mataas na para sa mga nag babalak mag suicide. I though this thing is one of the gym equipments provide by park at nag practice lang si kuya dahil kasali sya sa circus or trip lang nya. So I want to try this tutal sa park naman un. Hinhintay namin ng kasama ko matapos si kuya sa kanyang gingawa then he ask kung gusto daw naming subukan ung ginagawa nya

                So sinubukan namin , sa isip ko .. EASY!!!! Tas nung unang tapak ko hala ka nanginig ung lubid pero sabi ni kuya hindi yung lubid ung nanginginig kundi ung paa ko .. tinuruan kami ni kuya ng tamang balance. Kailangan tumayo ka ka agad sa lubid para huminto ung panginginig, at ang mga kamay ay nasa taas para iyon ang mag babalance sayo.

                Habang sinusubkan naming ang Slackline, nalaman ko ang pangalan ni kuya, sya ay si kuya Apay at ang slackline ay hindi provide ng park, kundi sa kanila pala iyong mag kaka tropa, sila lang mismo ang nag kakabit duon.

                Slackline teach us how to balance. Pwedeng pang matanda o bata. Sa mga gustong maka try, every Tuesday, Thursday and Saturday ay nasa circle sila.

This is my friend Jessa and kuya Apay!!



About the author

160