Bago po ang lahat gusto ko magpasalamat kay sis Kikays-closet, siya ang naging inspirasyon ko sa pagsulat ng blog nato, nabasa ko ang blog nya na "Fighting for Life", very touching at nakakaiyak, why??? kasi pinagdadaanan ko rin kung anu man un nararamdaman nya....
Back 2005 or 6 yata ako na diagnose na meron akong "Non Curable Desease" , "LUPUS"( SLE), Huhuhu sad diba?, nung una hindi ko matanggap, 2 years muna ako nagmukmok s bahay, hindi ako lumalabas, kasi hindi nako kilala ng mga dati ko mga friends at kakilala, as in talagang parang "TRANSFORMER" lng ang peg, hahahahha, un dati ko timbang na 45k, naging 70k, un mukha kong dating hapis, naging moon face , un dati kong mahabang buhok, naging maigsi, nalagas at medyu nakikita na utak ko sa sobrang nipis ng buhok ko waahhhhhhhhhh...
Bawal ako sa araw, pwede rin pero slight lang, un araw siguro sa umaga, hanggang 10am, bawal ma stress( huh pwede ba yun?, eh kasama na sa everyday ang stress hahaha), bawal magpuyat, marami pagkain na bawal kasi baka magka problema daw ako sa health, baka magka Diabetes, High Blood, at kung anu anu pang mga sakit , dahil mahina na ang resistensya ko, mula anit hanggang talampakan na sakit pwede ko nang angkinin hahhaha( eh di ako na!!), hay naku whatever, dahil nung time na yun hindi ko na iniisip yang mga bagay na yan, sa totoo lang ang lage ko nasa isip nun kelan kaya ako? susunduin? mawawala?, sa madaling salita, "MATITIGOK" hehehehe..naiisip ko yang word na yan kasi, himala na lang na nabigyan pako ng second life,,Thank you LORD
Hindi nako nakakalakad, binubuhat ako pag pupunta ako ng cr, bandang huli nilalagyan na lang nila ako ng diaper,( wahahhaha , nakakahiya), dumating na din un point na hindi ko na sila kilala, kasi sa sobrang sakit ng ulo ko, nagkaroon pala ng tubig un ulo ko, as in sobrang sakit, gusto ko iumpog ulo ko sa sakit,( huhuhuhu pag naalala ko yun, ngpapasalamt ako kay Lord at nalagpasan ko lahat), nagkaroon ako ng Meningitis, pag may LUPUS ka pala, lahat ng sakit nsa syu na, kaya ko nasabi na mula anit hanggang talampakin pede ko maging sakit,, haiz saklap talaga hahahahha,
Pero may kasabihan tayu na "Ang Masamang Damo daw ay matagal MAMATAY" LoL,,well, hindi ko sinasabi na napakasama ko, pero nung time na un medyu hindi rin naman ako kabaitan hahahahhaa....kaya tama si sis Kikays-closet, pag naiisip ko un mga taong winawaksan un buhay nila ng dahil lang sa simpleng problema, nakakapang hinayang dahil maraming tao ang nakikipaglaban, mabuhay lang, ngpapasalamat ako at naging matatag at matibay ang loob ko, kaya hanggang ngayun nakikipag kulitan pako senyu, Still Kicking and alive hahahhaha, himala din na kinaya ko pang magka anak, "Thank You LORD" sa napakagandang gift mo saken, ngayun ko lalong higit pang patibayin at palakasin ang loob ko para sa Baby Isaac Moises ko, My Beloved Son...Hope mas lalo pang maging mabuti ang kalagayan ko at ni sis Kikays-closet at ng marami pang iba na nakikipaglaban mabuhay lang, GOD BLESS to All of Us