Sumulat si Mister XD

Posted on at


Dear Mahal,

Sumulat ako sa'yo para sabihing iiwan na kita habang buhay. Naging mabuti naman ako sa'yo nitong nakalipas na 8 taong pagsasama. Ngunit nitong nakaraang 2 linggo ay sumobra na.
Tinawagan ako ng boss mo sinabing nag-resign ka na raw at yun ang pinakahuling hindi ko kinaya. Nung nakaraang linggo dumating ka sa bahay na hindi mo man lang napansin ang bago kong gupit, niluto ko ang paborito mong ulam at sinuot ang bagong bili kong boxer short. Pero halos isang minuto ka lang kumain at pagkatapos mong manood ng paboritong mong soap opera at natulog ka na. Hindi mo na sinabing mas minahal mo ako ngayon, hindi na rin tayo nagse-sex at kung anu-ano pang dapat na ginagawa ng mag-asawa. Kung hindi ka man nangangaliwa ay baka hindi mo na ako mahal. Kahit ano pa man, lalayo na ako.

Sincerely,
Ex-husband

P.S. Nga pala, huwag mo na akong hanapin. Magsasama na kami ng kapatid mong si Carla magpakailanman.

--
Dear Ex-Mahal,

Wala nang mas sasaya pa sa sulat mo ngayon sa akin. Totoo nga na tayo ay nagkasama ng 8 taon pero hindi ka naman ganun kabuti gaya ng inaakala mo. Nanonood ako ng mga soap opera para mawala yung inis at galit ko pero hindi yun nakakatulong. Napansin kong bagong gupit ka nga pero ang unang pumasok sa isip ko ay "Kamukha mo si Pugo". At dahil tinuruan ako ng nanay ko na kung wala ka rin lang mabuting sasabihin ay manahimik ka na lang. At nung nagluto ka nang paborito kong ulam, napagkamalan mo atang ako yung kapatid ko, yan ay dahil 8 taon na akong hindi kumakain ng baboy. Tungkol naman dun sa bagong boxer short mo, tinalikuran kita dahil nakita ko yung tag price na P999 at iniisip ko na sana coincidence lang na nanghiram sa akin yung kapatid ko ng P1,000 nung umaga. Kaya nung manalo ako sa Lotto ng P100 Million, nag-resign ako sa trabaho at bumili ng dalawang ticket para sa atin papuntang Italy. Pero pagdating ko wala ka na. Lahat nang pangyayari ay may dahilan sa palagay ko. Sana maging masaya ka sa buhay na ginusto mo. Sabi nang abogado ko yung sulat mo daw ay magpapatunay na wala kang makukuha sa akin kahit piso. Kaya ingat ka na lang.

Nagmamahal,
Ex-wife

P.S. Hindi ko alam kung nabanggit ko na pero yung kapatid kong si Carla ay Carlo talaga dati. Sana hindi yun maging problema.



About the author

Flowzick

I am a simple man.. likes to be online and have friends. im looking for the best way to express myself and thoughts and to earn online. ^_^

Subscribe 0
160