"SUNDALO" sandalan ng mga "Pilipino"

Posted on at


Patungo sa malayong baryo, lulan ng malaking eroplano
Mga magigiting na sundalo, pupunta sa bagong destino
Sa lugar na magulo, sa lugar na mas kailangan ng tao
Hinubog pagkatao parang maging kasing tibay ng bato



Bawat isa malungkot ang mukha, hindi dahil sila’y mahina
Kundi iniisip ang pamilya na sa pag alis ay lumuluha
Iiwan ang mga anak at asawa, mamumuhay na mag-isa
Mabigyan lang ang pamilya ng magandang buhay at ginhawa

 

Habang mamamayan ay mahinahon sa kapatagan
Mga sundalo ay sa bundok nahihirapan
Bugbog sa pagod at sakit ng kalamnan
Sa gabi nama’y aabutin ng malakas na ulan, kawawang sundalo walang masilungan



Sa oras ng pahinga Cellphone agad kinukuha
Oh’ signal nasaan ka? Ng si mahal makumusta
Napapawi ang pagod pa ang mensahe sa asawa maipadala
“I LOVE YOU MAMA, OKEY AKO DITO WAG KA MAG ALALA"

Sa muling kabanata ng operasyon, meron ng bagong lakas at inspirasyon
Babawi nalang ng pahinga sa darating na bakasyon, aaliwin ang sarili para maging mahinahon
Subalit ang hindi nila alam nakaabang na pala mga kalaban
Nag-simula na ang putukan at mga granada’y pinakawalan

 

Sa sobrang ingay ng labanan at init ng bakbakan
Ang mga sundalo ay matapang na lumalaban
Pag may kasamahang masugatan, hindi iniiwan
Para silang mag kakapatid na nag-poprotektahan



Nakakalungkot lang isipin na meron nagbubuwis ng buhay
Sa kamay ng kapwa Pilipino sila’y namatay
Kawawa ang pamilyang nag-hinhintay
Iuuwing isa ng malamig na bangkay



Ang sundalo may lakas at kakayahan na ipagtanggol ang ating bayan
Minsay sila ay nagiging guro at doctor pa kung kinakailangan
Sa mga bagyo at baha sila ang sandigan
Tumutulong sa kapwa ng walang alinlangan

 

Sa taglay na katapangan ang ating mga supling at mabubuhay ng payapa sa lupain
Wag natin silang baliwalain at lait laitin
Dahil wala ng papantay sa kanilang layunin
“Na mamuhay tayo dito sa bansa na walang gulo at pag kakaalipin sa mga taong nais sumakop sa atin..”

 








 



About the author

jaffeesarah

.. cool and simple

Subscribe 0
160