Tawa-Tawa Plant

Posted on at


TAWA-TAWA
By Portia Mabaling, Naturalist 
Segment Host: Jing Castañeda
Researcher/SP: Raquel Tagle

Sabi ni Ms. Jen, ang mga umiinom nito ay tumataas ang platelet count. Sa 1 baso lang sa buong araw, nagno-normalize na ang platelet.

Paggawa ng tsaa

• Magpakulo ng 3-4 basong tubig.
• Habang kumukulo, ilagay ang 1 bungkos ng tawa tawa plant.
• Hintaying kumulo. Pagkatapos ng 1 minuto, patayin ang apoy.
• Hintaying lumabas ang katas, magiging berde ang tubig.
• Kung may problema sa paglunok, uminom ng 1 baso, dahan-dahan.
• Kung kaya, uminom ng 1 baso kada oras.

Batay sa isang pag-aaral na ginawa ng University of Sto Tomas (UST) – Faculty of Pharmacy, kinakitaan ng phenolic compounds ang tawa-tawa plant. Ang phenolic compounds ay active ingredients na diumano’y responsable sa pagpapataas ng platelet count sa isang tao o nabiktima ng dengue. (Philippine Council for Health Research and Development)

Bilang pansamantalang remedyo sa dengue, pinapayuhan ng doctor ang pasyente na uminom ng mas maraming fluid (tubig at healthy soup), samahan ng pahinga at paracetamol kung may lagnat.

Kung nagdurugo ang ilong at sumasakit ang tiyan, dapat dalhin agad ang pasyente sa pinakamalapit na ospital.

Ang tawa-tawa ay hindi rekomendado ng DOH dahil ito ay pinag-aaralan pa. Pinakamabuti pa rin ang pagpapatingin sa eksperto.

Additional research: Yam dela Cruz, Multimedia Producer

 
Salamat Dok's photo.
REPOST only. Salamat Dok!


About the author

Blessed-Charm

Time is GOLD.

Subscribe 0
160