Nung nakaraan nag post ako sa isang MB ko about sa isang episode sa MMK nung February 14, 2015 Valentine's Day. Kada katatapos kasi ng isang episode ng MMK, pinapakita sa last yung totoong mga tao sa likod ng kwento. Laking gulat ko ng pamilyar saken yung mag-jowa. Walang duda! Ka-Bubblews to mga par! Hahaha! Sa sobrang di makapaniwala napa-post ako ng MB.
Dahil dito nagong curios ang karamihang noypi bitlanders lalo na yung mga nasa Bubblews dati.
THE BIG REVELATION . . .
After ng matitinding pagsisisyat, pagre-research at pagta-tracking na mala-NBI, natunton ko na ang MYSTERY PEOPLE natin.Hahahah! Showbiz Insider lang? lol Makalipas ang ilang buwan, naopen ko ulit ang aking Bubblews account, nakakaiyak at gusto kong magdabog! Hahaha!
Sa kanilang true to life story, ang gumanap ay ang Jadine loveteam, si James Reid at si Nadine Lustre. Fan na fan ang kapatid ko kaya napanood na din ako dahil ayaw kong masabihang bitter ako . Hahaha!
Anyway siya pala si Carmina Joven. Ito ang full Bubblews profile niya. Ang boyfriend niya ay si Yong Gopez, ex-PBB housemate.
After some strolling in her Bubblews profile nakita ko din yung isang article nya kung saan may comment ako.
#MMKSignsOfLove