Lahat tayo siguro nung bata pa tayo , ayaw natin ng gulay di ba? Itatanong Kung anong pinaka ayaw mong gulay , karamihan ang sagot ay AMPALAYA ...Bakit kaya ? Kasi mapait , hindi masarap hehehe.
Pero habang tumatagal , nagustuhan ko narin .... at isa pa ngayon sa paborito kong gulay , kasi masustansya na at very healthy talaga .
Nakikita ko dati mommy ko na nagluluto ng AMPALAYA , lamas na lamas nya ito sa asin para daw mawala ang konting pait ng lasa , masarap sya at nawala nga konting pait ..... At yun ang ginagawa ko dati , ginaya ko rin istilo nya ...
Sa ngayon hindi na , binago ko na istilo ko sa pagluluto ng AMPALAYA o sa ingles ay BITTER GOURD ., hindi ko na sya nilalamas sa asin , kasi iniisip ko nawawala ang sustansya , yung iba nga walang ginagawa eh , hinihiwa ang AMPALAYA sabay luto , para sariwa at nandon ang pait at sustansya .
Madali lang naman ang paraan ko para mawala ang pait na ayaw ng nakararami . . Kumuha kayo ng isang bowl na May lamang tubig at lagyan ng yelo , ibabad ang hiniwang ampalaya atleast mga 15 ~ 20 minutes bago iluto .. Wag nyo itong lamasin , as in nakababad lang .. Then itapon ang tubig na pinagbabaran at yun pwede nyo ng lutuin , nandon pa rin ang freshness nya at mawawala ang pait . . Pag niluto wag ganong hahaluin , para mamentain ang freshness .
O Sige yan lang ang tip ko sa mga mahilig ding magluto dyan .