Today's Topak and Topic

Posted on at


Palagay ko, di lang ako ang babaeng may times na sinusumpong ng topak. May day or time na wala ka talaga sa mood magsalita at makipagchikahan. Well, sa akin, mukhang once sa loob ng two months umaatake ang kaweirduhan na to. Kayo ba guys, may ganyan din minsan?

Pag sinusumpong ako ng ganyan, mapapansin na lang ng mga tao sa paligid ko na tahimik ako. (Medyo machika naman po kasi ako sa personal.) Sa topak mode ko,matipid din minsan kung sasagot ako.

Kaninang morning paggising ko, medyo masama ang pakiramdam ko. Ayun ramdam ko na din na gusto ko na namang manahimik. Kahit holiday ngayon, may errands na kelangang lakarin kaya maaga ako lumarga sa town. At sa aking pag-uwi, sumakay ako ng jeep at doon ay may nakasakay ako na kakilala. Ayun, nagsmile at nag-hello sya kaya ganun din naman ako. Actually, di kami masyarong close, tas nataon na tinatamad ako makichika. Ayun lumipat pa sya sa tabi ko. Huhu.

At sa aming byahe, ay nagsimula na syang mag-open ng kung anu-anong topic. Sige, sumagot ako nang mahaba-haba naman para di nakakaoffend. Akala ko after ng 3 topics, pwede na ako bumalik sa "katahimikan" na gusto ko. Aba, meron na naman. Oh no!!! Pano na yan, tas un bago na naman nya subject ay di ko feel na pag-usapan ng may mga nakakarinig. Haaay, medyo naiirita na ako pero kelangang magtimpi. Naiwan ko pa ang cellphone ko, pwede sanang gawing "paraan" ...

Buti na lang ay may naalala syang dapat nyang tawagan sa phone nya. Ayun, nakapanahimik na ulet ako hanggang sa makaabot na sa tapat ng gate namin at nakababa na.

Yan lang. Wala din lang. XD



About the author

Lonie

I am a music lover... a woman who thanks God every second of my life for His unconditional love.

Subscribe 0
160