Bakit nga naman di subukan ang Tortang OKRA ? madali lang naman gawin at masustansya pa rin siya..
SANGKAP
1-2 tali ng okra
2 sibuyas, hiwain nang pino
5 kutsara cornstarch
1-2 itlog
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang paminta
vegetable oil
DIREKSYON
*** Ang dami ng sangkap ay depende sa dami ng kakain at depende sa inyong kagustuhan. Play around with it.
• Hiwain ang okra tulad sa larawan.
• Pagsama-samahin sa isang bowl ang okra, cornstarch, asin, paminta, sibuyas at itlog.
• Haluing mabuti.
• Iprito.
Pag luto na kainan na syempre ^_^