TOTTORI SAND DUNES IN JAPAN

Posted on at


 

Sino ang mag aakala na sa isang bansa tulad dito sa Japan kung saan ang Klima ay masasabing temperate na may apat na uri ng panahon ay may matatagpuang SAND HILLS na kadalasan ay sa disyerto laming makikita ?

 

Sa silangang bahagi ng TOTTORI PREFECTURE ay matatagpuan ang TOTTORI SAND DUNES ( Tottori Sakyu ) , ang pinakasikat at pinakamalaking sand hills sa bansa . 

 

Ang TOTTORI SAND DUNES ay na up sa pamamagitan ng isang paulit - ulit na cycle na nagsimula sa weathering ng mga bato mula sa mga bundok ng Chukogu na nagging buhangin .

Ang mga buhangin na ito ay tinangay ng hangin papunta sa dagat at muling bumalik sa pinanggalingan nito sa loob ng humigit kumulang na 100,000 taon .

Isa sa natatanging katangian ng TOTTORI SAND DUNES ay ang laki ng taas nito at ang mga halaman na dito lamang makikita .

Asahan ang nakakamanghang tanawin tulad ng TALL HILLS , WIND RIPPLES at pagbaba ng mga buhangin sa ibabaw ng hills na tila isang Avalanche . Sa tuktok nito ay masisilayan din ang nakakamanghang tanawin ng karagatan at buhangin .

 

 



About the author

160