Tumitindig na paninindigan

Posted on at


 

Importanteng salita ang paninindigan, ang paninindigan sa tamang paniniwala. Ang malungkot dyan, sa karamihan, paniniwala lang din ang paninindigan. Madaming tao ang naniniwala na dapat gawin ang tama, kaso pag dumating ang oras na sila na ang dapat kumilos, inaantay na lang nila na iba ang gumawa ng mga dapat gawin. Iba ang paniniwala sa paninindigan. Ang paniniwala ay nasa isip, ang paninindigan ay nasa salita at gawa. Kahit gano ka pa kagago, mahalaga na magkaron ka ng kahit gatiting na tamang paninindigan. Yung tipo ng bagay na sinosoportahan at karapat-dapat ipaglalaban. Dahil yan ang hihila sayo pabalik sa sarili mo tuwing nililigaw ka ng temptasyon. Yan ang magtutulak sayo para kumilos. At yan ang kakapitan mo pag may mga humahatak sayo palubog. 


 

Tandaan mo, ang taong walang kinakapitan na tamang paninindigan, lulubog sa lahat ng bagay.


About the author

Flowzick

I am a simple man.. likes to be online and have friends. im looking for the best way to express myself and thoughts and to earn online. ^_^

Subscribe 0
160