Tungkol sa red lips

Posted on at


Sa isang microblog ko na may drawing ng pink lipstick mark, tinanong ni Riza kung gumagamit ba daw ako ng ganon. Gusto ko sana mag-reply, pero alam nyo naman, may limit ng characters ang comments kaya naisipan ko na lang gumawa ng blog tungkol dun. Madaldal kasi ako online (take note, online lang, shy type ako sa totoong buhay) eh. Madalas kulang ang 160 characters para sa akin. Kaya nga hindi ako na-hook sa Twitter.

Anyway, balik tayo sa usapang lips at lipstick. Actually, hindi pink yung favorite kong gamitin na lipstick, wala nga akong pink na lipstick eh. Hindi ako naglilipstick pag everyday etchos lang. Pero kung kasama ko si hubby sa isang event or special occasion, ganito ang favorite shade na ginagamit ko ko:

Oh diba ang bongga? Red red lips! Geisha red. Maharot red. Seductive red. I love it. Kaya hindi ko yan ginagamit kung hindi ko kasama si hubby. Baka mamaya pag gamit ko yan habang naglalakad sa daan, bigla akong harangin ng sasakyan at tanungin "Magkano, miss?". Ay kaloka! Ano ba dapat sagot sa ganung tanong? "Ay sorry ha, pero hindi mo ako afford!" Toinks. Taray lang ng peg.

So yun na yun. Ang aking blog na tungkol lang talaga sa red lips. Ano pa ba akala mo? May mas malalim pa akong ikukwento? Something deep and heavy? Chos. Hindi ko style yun eh. Sorry, yun lang talaga kwento ko. Tungkol sa red lips lang talaga. Yun lang naman talaga nakasulat sa title eh. Ikaw talaga, kung ano ano pa ine-expect mo, ayos na yan, natuwa ka naman kahit papano.

Ay oo nga pala, yung blue na naka-bold letters ay links. Yung isa link dun sa pink lipstick etchos, yung isa, sa profile ni Riza, tutal nabigyan nya naman ako ng inspiration para makasulat ng blog, eh di sige, i-link na din. 

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160