Tungkol sa shrimps (oo, hipon)

Posted on at


Yehey naka twenty blogs na rin! Ang saya naman! Kasing saya ng topic natin for today. Haha, kung maka "topic natin for today" parang teacher lang. O kaya talk show host. Oh diba ako na ang Kris Aquino ng bitlandia. Haha joke lang no... hindi ko idol yun kasi alam kong mas sosyal ako sa kanya. Oo, mas sosyal ako kaysa kay Kris.... wag ka na kumontra. 

Balikan na lang natin ang topic for today. Ayan. Nakikita mo naman sa drawing kung ano diba? Madali naman hulaan diba? Um-agree ka kasi drawing ko yan! Hipon yan! Isa sa favorite foods ko. Sarap diba? Pero mamaya na natin pagusapan ang katakam takam na topic na yan. Pagusapan natin si Ramon Bautista at ang hipon comment nya.

Haha. Ang tagal na nun no pero hindi pa ako maka-get over. Eh kasi naman hulaan nyo kung taga saan ako? Oo, Davao. Hindi ako originally from here, pero feel na feel ko na ang pagka-Davaoenya ko sa 4 years ko na ditey. And take note, magaling na din akong mag-Bisaya. Bonggels. Oh teka, off-topic nanaman. Balik tayo kay Ramon Bautista, ano masasabi nyo sa hipon comment nya? 

Ako, syempre na-offend, sa ganda kong to, tatawagin nya kaming hipon? Hong pogi nya lang ha! *sarcastic yan shempre*. Pero mabilis naman magjump ang utak ko (nahalata nyo naman na siguro sa aking mga blogs) kaya after kong ma-offend eh ang naisip ko agad "Gusto ko ng sinigang na hipon for dinner" kaya ayun, nakalimutan ko agad si Ramon Bautista. Ngayon ko na lang ulit naalala ng dahil sa hipon na drawing na yan. 

 

 



About the author

g2narat

Silly G2! That's me!

Subscribe 0
160