Ulam

Posted on at


Naalala ko nung bata ako pag kumakain kaming mag anak, hindi ko maiwasang mapansin na kung isda ang aming ulam, ang gawing gitna, gawing laman ay hinahati ni Nanay sa aming magkakapatid. ang dakong ulo kay Tatay; buntot naman ang kay Nanay. Magkabusog kayo, yun pa ang lagi nilang sabi, kahit sila matinik, magkulang, at sumala sa pagkain wag lang kami.

Para sa kanila okey lang.

 

Nabasa ko sa isang libro ang sabi dun nung babae yung kaibigan daw nya dung dalaga pa lahat ng sweldo kanya lang, bili doon, bili dito, bili ng ganon, bili ng ganyan lahat ng gusto nya binibili nya.

Ngayon may asawa na siya at anak, di na halos mabili ang sariling gusto, lahat para sa baby nya. Ubos ang sweldo, kulang pa. Sabi nung babae; kung ikay ay isang taong sarili mo lang kapakanan ang mahalaga, mabuti pa'y wag ka munang mag asawa, mag isip muna at paka-sawa.

 



About the author

bernalyn-dl-bautista

Simple but talkative, business minded & hard working.

Subscribe 0
160