Haller mga ka-bits! Mejo maiiba ang blogs ko ngayon ha. Tutorial eme eme ang peg ko, pero shempre may kalokohan pa din para entertaining. Oh, hindi ito para kay Hillary ha, di naman marunong mag-tagalog yun eh. Labor of love lang talaga itey para sa inyo. Naks! Gumaganun! Ito ay ang part 1 ng tatlong tutorials.
Itong part na itey ay ang basic na basic na basic (oo, tatlong basic kasi sobrang pang beginner na tutorial to) na kung paano gumawa ng image na pwedeng i-prepare para makagawa ng separator etchos. Ang second part gagawin ko about paano i-edit yung nagawa na image using photoscape (photoscape ay isang libre na photo editor, dahil kuripot ako at mashadong shunga para sa photoshop. Pang photoscape lang talaga lebel ko). Ang last part ay kung paano maipapagdikit dikit ang images para magmukha na siyang decoration sa MBs o kaya eh paragraph separator sa blogs.Umpisahan na natin ang session (tutorial session ha hindi yung kung ano anong session nyo jan!)
Sa mga experts at techie jan pag pasensyahan nyo na at ituturo ko talaga pati paggamit ng paint. Hindi ito dahil sa tingin ko eh shunga kayo, ang reason ko ay dahil ayaw kong ma-lost pag nagtututorial ako. Pangarap ko kasi maging teacher eh, kaso lang pinigilan ako ng nanay ko dahil maliit lang daw ang sahod ng mga minamahal nating mga guro. Pakielamerang nanay, eh sa yun ang gusto ko sana eh. Oh well, masaya naman na din ako sa pagiging GRO so ayos na din (joke lang yang GRO ha! Tinitesting ko lang kung nagbabasa ka pa hahaha).
So para makagawa ng magandang image na pang separator etchos, mag-open ka ng paint. Oo, yung program na kasali sa lahat ng windows. Meron nyan sa computer mo pramis. Pag wala eh di ikaw na. Ikaw na ang puro internet lang ang alam. So yun. Pag na-open mo siya, mas maganda kung square at white ang canvas mo. Tulad nito:
Pag nanjan ka na eh di magpakasaya ka na. Drowingan mo na yan ng kung ano ano gamit yung mga tools na nakikita mo jan. Gamitin mo yung mga bilog bilog, mga square, mga lines, bahala ka na kung saan ka masaya, ilabas mo na ang inner child mo! Gora! Nung ginawa ko yun, ito ang naging ending, isang weird semi-smiley face. Ngeks. Yun lang pala kaya ng powers ko haha.
Shempre pag tapos mo na gawin yan wag mong kalimutan i-save. Ang shunga naman kung close agad ng walang save save diba. Kaloka. Pwede mong i-save as JPEG or PNG, keribelles naman both formats for photoscape.
Ops, shempre ilagay mo sa folder na madaling tandaan. I-hiwalay mo sa folder na puro scandal, please lang. Mahiya ka naman sa drawing mo.
Pagkatapos nyan ay magdownload na ng photoscape kasi yun na ang susunod na part ng tutorial natin. Hanapin mo lang yan sa net. Libre lang yan i-download, siguraduhin mo lang na Photoscape lang ang i-dadownload mo, minsan kasi kung ano ano pang inooffer nila eh photoscape nga lang gusto mo kaya wag basta basta click ng click ng "I agree", may mata ka naman, gamitin mo yun. Haha. So yun, pag na-download mo na ang photoscape i-open mo siya. Dapat ganito itsura nya pag-open mo sa kanya:
Bonggels no? Oh dito muna nagtatapos itey. Gagawin ko pa second part ng tutorial eh. Haha.
Edit:
nagawa ko na. Pati second at third part. Ako na ang excited. Ito na mga links:
http://www.bitlanders.com/blogs/ang-final-part-paano-gumawa-ng-separator-etchos/2664740