Kapit-bahay namin sila. Lagi akong nasa bahay nila noon kasi matalik kong kaibigan ang bunso nilang kapatid. Pero, di kami close. Ni hindi nga kami nag-uusap eh! Kung isnabero sya, mas isnabera ako.
Nagsimula ang aming kwento nang dahil sa isang "Clan". Alam mo yun? Yung kung bakit nauso ang "Group Message"? Yun ang una't huling clan na sinalihan ko. Classmate/Friend ko kasi ang founder nun. Ilang araw lang e nalaman kong kasali din pala siya sa clan na iyon. GM dito, GM doon. Hangga't dumating sa puntong ang Group Message ay nauwi sa Private Message. So naging magtextmate na talaga kami. Siya lang lagi kong kateks at ako lang din daw ang lagi nyang kateks. Hindi na kasi kami nag-GGM. Oo! naging crush ko siya pero hindi nya alam yun. Siguro ramdam nyang crush ko sya, pero hindi ako umaamin.
February 14, 2009 - mga 12:30 am na nun kaya sabi ko matutulog na ko (thru text). Naggoodnight na ko sa kanya at ang reply nya sakin:
"Sweet Dreams. I love you!"
Laking gulat ko nun kasi yun yung first time na sinabihan nya ko ng "I Love You". Hindi ko na lang pinansin kasi baka pinagttripan lang ako o baka lasing lang. Nagkainuman kasi sila ng mga friends nya na kapit-bahay lang din namin.
Kinabukasan, akala ko talaga trip-trip lang yung sinabi nya. Niligawan nya ko sa personal and out of curiosity, sinagot ko sya nung April 04, 2009. Medyo bata pa kami nun. Sa lahat ng gustong manligaw sakin, siya lang yung pinayagan ko. Takot kasi ko magpaligaw nun kasi ayaw ng parents ko na magboyfriend ako. Only daughter kasi ako kaya strikto masyado. Pero nung siya yung nanligaw, pumayag ako. Ewan ko ba! Naging crush ko din naman yung mga gustong manligaw. So naging magsecret-on na kami. Walang nakakaalam except my bestfriend na kapatid nya.
Dumating ang problema nung May 07, 2009, nalaman kasi ng parents ko dahil sa isang teddy bear na sinadya kong idisplay para magtanong sila kung kanino galing. (Ayoko kasi nung ako mismo mag-oopen). So umamin ako at ayun, pilit kaming pinaghihiwalay pero nagmatigas ako. Sinabi ko nun sa sarili ko na hinding-hindi ako makikipagbreak sa kanya hangga't wala siyang ginagawang hindi maganda sakin. Iyak ako ng iyak noon. Ayoko siya ibreak pero parents ko naman ang makakalaban ko. Gusto ko kasi "First and Last Boyfriend". Lalong humigpit parents ko sakin. Tipong mawala lang ako saglit sa bahay e nagtatanong na agad sila kung san ako galing.
Isang araw, kinausap nya ko. Sabi nya magttrabaho na daw siya at stay-in sya doon. Akala ko nun makikipagbreak siya pero sabi nya dun daw muna siya hangga't maging okay ang lahat. Reasons kung bakit ayaw ng parents ko sa kanya ay isa siyang tambay. Walang trabaho. Medyo lasinggero. Mabarkada. Nakatuntong ng college pero di rin natapos. Ayaw daw kasi nya dumagdag sa gastusin kaya huminto muna siya at hinayaang makatapos muna ang kapatid nya (bestfriend ko).
Lumipas ang dalawang taon na lihim pa rin kaming nagkikita. Nagkaroon sya ng magandang trabaho, umiwas sa alak, ngumingiti at bumabati sa magulang ko kahit di sya pinapansin. Nagsisimba kasi kami tuwing linggo. Sa tuwing babatiin nya yung parents ko ng "Magandang gabi po. Alis na po kami", magbubuntong hininga muna yun habang pinipisil yung kamay ko para kumuha ng lakas ng loob. Natatawa na nga lang ako eh. Takot na takot kasi masyado (Kung sabagay ako din. :D). Napansin ko ang magandang pagbabago nyang yun at siguro napansin din ng magulang ko kaya hinayaan nya nang ipagpatuloy ang relasyon namin. Di ko sya inutusan na gawin nya lahat yun. Siya mismo ang nagbago para sakin. Ako naman, alam kong napakalaki ng kasalanan ko kay God kasi kinalaban ko ang magulang ko kaya tutuparin ko nalang ang pangakong magtatapos muna ng pag-aaral, tutulong sa pamilya, at tutulad kay Toni Gonzaga, Yeng Constantino, Janine Tugonon, Miriam Quiambao, and Nikki Gil. Oh! nagets mo ba? :D
Nasa Taiwan na siya ngayon nagwowork. Gusto daw kasi nya patunayan sa parents ko na may binatbat sya. Last year pa sya umalis at year 2016 pa sya babalik dito sa Philippines. Ngayon, may bahay at lupa na sya sa Bulacan.
Kinuwento ko lahat kay mama lahat ng nangyari sa loob ng 4 years na magkasama kami. Kung pano niya pinatunayan ang sarili nya sakin at sa parents ko.
One thing I should really be proud of: He respects me too much. Kaya si mama naniwala na talaga sa kanya na mahal nya talaga ako.. Si papa naman, natatakot na baka pagbalik nya, magpakasal na kami. Which is true! De joke. Syempre pag okay lang ang lahat. Komplikado nga kami ngayon eh. Ang hirap talaga ng LDR. Hays. Pag may problema ka, wala kang iiyakan.
Ang ending? Abangan kung mangyayari pa ang "Una't Huling Pag-ibig" Lol. I-bblog ko nalang ulit soon. :D
P.S. Isang bagay na iniingat-ingatan namin ay yung cellphone namin kung saan yun yung ginamit namin nung magtextmate palang kami. Dun nagsimula ang lahat. Nasakin yung 2 cellphone na yun. Ako nagtago.
P.P.S Salamat sa may pake! :)