Undas sa Pinas
Ang bilis talaga ng panahon, parang kailan lang ang valentines ah undas na naman? Kasunod ng undas siyempre pasko at bagong taon na . Hay, another year…another year of age. Haha! Okay lang promise, as the saying goes as we get older we get better parang wine, mas sumasarap at mas nag-iimprove ang quality habang tumatagal. O siya, pinalulubag ko lang kalooban ko hehe.
Balik tayo sa undas, nakikinita ko na naman ang di magkamayaw na mga tao sa paggunita ng kanilang mga mahal sa buhay although maraming taon na rin na hindi ako nakakapag-undas sa Pinas. Still, nasa sistema na nating mga pinoys kung paano natin binibigyang halaga ang araw na ito. Kung kailan ginugunita natin ang ating mga yumaong mahal sa buhay, kung saan nagtitipon ang mga kamag-anak na sa araw lamang na ito nagkakaroon ng chance na magkita. Pinagsasaluhan ang mga baong pagkain. Nag aalay tayo ng bulaklak at nagtitirik ng kandila kasabay ng panalangin. Ang hindi matapos tapos na kuwentuhan. Namimiss ko tuloy ang Pinas *sniff*
Kaninang umaga paggising ko, nag alay na ako ng panalangin para sa aking Itay, Inay, Kuya at kay bunsong kapatid. Humingi ako ng dispensa na hindi ko na naman sila madadalaw at alam ko na naiintindihan nila ako. Pero sabi ko, huwag na nila akong dalawin dahil okay lang ako dito lol! Mamayang gabi na ako magtitirik ng kandila pagdating ko galing ng work. Kahit wala man ako sa Pinas at least sa aking munting paraan ay hindi ko sila nakakalimutan. Love you guys.