Use at your own risk

Posted on at



I wanted to share this treatment regimen which I had been using for months or maybe a year now.


Actually, my elder sister and big brother were the first ones who introduce this treatment regimen to me. It's just that it runs in our blood na ma-pimple kami. Sad to say na ganun nga. Pahirap at the same time nakakawala ng confidence. Minsan nakaka-offend narin pag may naririnig ako about pimples. Pero wala eh, nasa genes talaga.


So eto na nga, it all started nung high school ako maybe 3rd or 4th year na nagsisimulang magsitubuan ang aking palayan sa mukha (lol). At first maliliit lang, well maliit lang naman talaga mga pimples ko, kaso nga lang...parami sila ng parami as time passes by hanggang sa nag-asawa nalang ako. Oo hanggang sa nag-asawa nga ako. Siguro nawala lang sila nung nagbuntis at nanganak na ako. Pero after several months at years eh nagsibalikan na naman.


Siyempre, during those days na nagpermanent residence na sila sa mukha ko eh gumawa naman ako ng paraan to get rid of them. Kaloka kaya! Jahe at nakakahiya especially pag nasa job interview. Haiisst, I remember the days...well anyway, yun na nga...lagi akong wash your face ang peg bago matulog, maaga din ako natutulog, bumibili ako ng astringents, cream, sabon and everything na pampawala ng pimple. Ang di ko lang ata nagawa talaga is pumunta ng derma, kasi nga wa budget lola mo. Ayun, wa epek silang lahat.


Hanggang sa maalala ko na gumagamit pala si ate at kuya nung nasa taas. Opo, pati kuya ko...pero katagalan eh Master (panlalaki) na ginamit niya instead of Eskinol.


 


Simple steps paano :


1. Bumili siyempre ng Eskinol at Dalacin C. May ratio din kasi diyan. Sa Eskinol (Classic White - walang tawas dapat), kadalasan binibili ko is 225ml (pinakamalaki) taz ang Dalacin C is dapat 300mg. So far umaabot sakin to ng 1 month nung umpisa, di ko na masyado maalala kasi for maintenance purposes ko nalang siya ngayon na umaabot ng 2 months or higit pa. Pwede din naman 135ml na Eskinol taz 150mg nung Dalacin C.



2. Ihalo ang Dalacin C sa Eskinol Classic White. Ibig sabihin, buksan mo yung capsule mismo at ilagay ang laman nun sa loob ng Eskinol.



3. I-shake ang formula hanggang sa mawala/mahalo ang Dalacin C. Hayaan lang muna ito for atleast 24hours.


4. Gamitin na mismo ang finish product. Siyempre before mo siya gagamitin, maghilamos ka muna. At pwede mo na gamitin atleast 2x a day, morning and evening.


Siyempre di ko siya nirerecommend sa inyo especially sa mga may pimples. Pero dahil matagal na kasi kilala ang treatment regimen na itey especially sa mga may malalang pimple, at umipek ng bongga sa ate at kuya ko, kaya ko ginamit ang bagay na itey. Hiyangan lang kasi ng gamit yan. 


Kaya ang result:


Ayan oh!



About the author

160