Usok ng sigarilyo

Posted on at


Bilang isang taong hindi naninigarilyo , parati kong sinisiguro na ang lugar na aming kakainan ay may nakabukod na lugar para sa mga naninigarilyo at hindi .

Karamihan ng mga nakikita kong Hapon at may ilan din ang mga Pilipino na kapag nasa " smoking area " ay kasama pa mismo ang kanilang mga anak . Hindi ba nag iisip ang mga magulang nila na sa murang edad nila ay nagiging SECONDHAND SMOKER sila at nagkakaroon Ito ng masamang epekto sa kanilang mga baga paglaki nila ?

Nakakapanggigil kung iisipin . Kung gusto nilang manigarilyo , pwede naman siguro silang manigarilyo kung nasa labas sila at HUWAG na nilang isama ang kanilang anak sa loob ng smoking area .

Karamihan ng mga pampublikong lugar dito sa Tokyo ay bawal ang paninigarilyo . Malaking tulong ito upang mapanatiling malinis ang Hangin sa kapaligiran . Sa mga pampublikong mga palikuran ay may nakalagay na mga " SMOKE DETECTION DEVICES " upang pagbawalan ang mga taong nais manigarilyo .

 

Marami akong mga kaibigan at kakilala na naninigarilyo . Nirerespesto ko ang inyong desisyon na magsigarilyo , pero sana kung kayo ay may Anak o may planong magka anak , Huwag ninyong ipaamoy ang USOK NG SIGARILYO sa kanila . 

Sana lang unti unti nang bawasan ang paninigarilyo o di kaya ay iwasan nilang ipalanghap sa mga taong hindi naninigarilyo ang kanilang ibinubuga na USOK .

 

 



About the author

160