Wag kang mabuhay sa pekeng panaginip ng pag-asa

Posted on at


 


Merong mga taong ayaw, o takot kumilos para sa solusyon ng problema nila. Pinapa-ubaya na lang nila sa mga "posibilidad". Iniisip nila na posibleng lumipas ang problema pag dumating ang oras na may mangyareng iba sa buhay nila. Hihintayin nila ang oras na yon, at pag hindi parin nawala ang problema nila, iisip na naman sila ng ibang posibilidad at maghihintay lang ulit na mangyari yon. Paulit-ulit na proseso. Walang katapusan na paghihintay. Nagiging tau-tauhan sila sa sarili nilang buhay. Yan ang pagtutulog-tulugan sa katotohanan para sa walang katapusan na pekeng panaginip ng pag-asa. Maswerte ang mga nagigising at kumikilos para sa pagbabago. 


 

Malas ng iba dahil napipilitan lang silang gumising dahil may dumating na "bangungot". Kunin mo ang pagkakataon na 'to para isipin kung ganyan ka. Kung ang sagot mo ay hindi, pag-isipan mo ulit, baka nagtutulog-tulugan ka pa. Wag kang mag-alala kung sa tingin mo nagtutulog-tulugan ka, dahil kung na-realize mo na ganyan ka ibig sabihin gising ka na. Kailangan mo na lang bumangon.


About the author

Flowzick

I am a simple man.. likes to be online and have friends. im looking for the best way to express myself and thoughts and to earn online. ^_^

Subscribe 0
160