Wala kayo sa tatay ko

Posted on at


Limang bata ang magkakatropa ang minsang

nagkwentuhan tungkol sa kanilang mga tatay.

Sabi ng una, "Magaling talaga ang tatay ko! Kaibigan

niya ang ating mayor. Kausap niya si mayor kaninang

umaga lang sa phone!"

"Mas matindi ang tatay ko!" sabi ng pangalawa.

"Best niya kaya si Gov. Magkasama pa silang nagkape

kaninang umaga!"

Humirit ang pangatlo. "Wala palang sinabi ang mga tatay

ninyo eh! Ang tatay ko, kaibigan ni Pinoy!" Nganga ang

ibang bata.

Tahimik at napangiti ang ika-apat na bata. "Mga p're,

wala kayo sa tatay ko. Best friend sila ni Obama!"

Ang ikalimang bata ay hindi nagpahuli, sabi niya,

"Ayokong magyabang, pero----ang kaibigan ng tatay ay

makapangyarihan, at kaya niyang gawin kahit ano. Kaya

niyang bumuhay ng patay. Kaya niyang magpagaling

kahit anong sakit! At oras-oras, kausap niya ang kanyang

kaibigan."

Sabi ng isang bata,"Matindi ang kaibigan ng tatay mo!

Sino siya?"

Sumagot ang bata, "Kaibigan ng Diyos ang tatay ko. Lagi

kasi siyang nananalangin."

Mapalad ang batang may maka-diyos na ama, lalaki

siyang malapit din sa Diyos.



About the author

Flowzick

I am a simple man.. likes to be online and have friends. im looking for the best way to express myself and thoughts and to earn online. ^_^

Subscribe 0
160