what a dream *teacher gen dream last night*

Posted on at


WHAT A DREAM....

In my 20yrs of teaching.. nakilala ako ng mga students ko bilang guro ng guro ng disiplina..pagrespeto.. pagmamahal sa bayan.. paglilingkod.. pakikipagkapwa.. pagsunod sa magulang..pananampalataya sa Diyos atbp. Dala ito ng mga asignaturang pang sports at pang militar na itinuturo ko sa kamila araw araw. Masaya ako kc alam ko sa sarili ko nagawa ko ang tunkulin ko sa kanila bilang guro..

Subalit..isang panaginip lang pala gigising sa akin na hawak hawak ang dibdib ko sa sobrang sakit na naramdaman ng puso ko..

Sa aking panaginip ay nagkita kami at nagkentuhan ng dati kong magaaral.. kinumusta ko sya ang buhay nya at ang mga inaasahan kung tagumpay sa kanya.. sa kanyang kwento ay may bahagi ng buhay nya na nabubuhay sya sa kasalanan o maling landasin sa buhay.. kayat sinabi ko sa kanya MALI ANG DESISYON MO DAPAT PINAG ARALAN MO MUNANG MABUTI..subalit nagulat ako sa kanyang isinagot sa akin.. "OK LANG PO SIR... DI MO NA NAMAN PO AKO ESTUDYANTE.."

Di ko alam kung bakit ang sakit sa akin ng mga salitang yon.. feeling ko kc kahit mga professionals at successful na sila ay mayroon parin akong tungkulin sa kanila..parang magulang ba...pero parang mali sa kanya na tulungan ko parin sya kc siguro mas may pinagaaralan at mas may kakayahan na sya kaysa sa akin..

Noong ako ang estudyante mula grade 1 hanggang matapos ng college at maging guro.. nanatili na ang pagtingin ko sa kanila ay DI KO MALALAMPASAN kahit ako ngayon ay kanilang KAPWA GURO.. nasa puso at isip ko parin na kung ako ay ituwid at pagsabihan ay aking susundin at igagalang...

Haaayyyy buhay guro.. pati ba naman sa panaginip.. apektado ang aking buhay..

Lessons learn.. '"ang nagpapakababa ay itinataas at ang nagmamataas ay ibinababa".
Na miss ko tuloy mga teachers ko sa elementary..high school at college.. Thanks to all of you Mam & Ser.. LOVE YOU PO!

EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON.. "WHAT A DREAM.."



160