Isa na namang walang kwentang blog...gusto ko lang ishare ang nangyari kagabi na muntik ko na masakal anak ko (joke lang)...baka ma-bantay bata ako. Wahaha
Well, ganito kasi yun...bumili kasi si hubby ng micro SIM ng TM kasi nga ako yung gumagamit nung CP niya...bale may mga time na nagpapalit kami ng CP...di naman ako choosy, eh kasi yung CP niya eh malaki. Eh ayaw daw niya dalhin kasi nga kukuha lng ng malaking space sa bag niya - eh maliit lang bag niya na dinadala. Kaya ayun. So dahil nga bumili siya ng micro SIM, eh saan pa ba yun isasak-sak, siyempre sa CP diba? Alangan naman sa ilong ko. Wahaha. ^_^
Ini-off ko yung CP niya at nilagay yung micro SIM sa slot na para sa kanya. At ng ini-on ko na ang cellphone:
Me: "Oh my gas, naglagay ka ba ng password?" tanong ko sa kanya.
Him: "Hindi! Diba nga ikaw gumagamit niyan. Baka ikaw naglagay?"
Me: "Bat ko lalagyan, eh pag na PUK pag napake-alaman ng anak mo." Sabay tingin sa anak ko...
Anak: "Ha? Anong nangyari? (pa-inosente pa...kala mo malaking tao na eh noh?)
Me: "Nak, pinake-alaman mo yung cellphone?"
Him: "Napansin ko yan nung isang araw may pinipindot...di ko alam kung ano yun."
Me: (sa isip lang) patay...
Anak: "Patingin... 0-6-2-4 ma...!" (take note: 5 years old lang po siya)
Me: "Sigurado ka? (Sabay pindot)...eeengk mali! Bat mo kasi pinaki-alaman? Sa susunod huwag na huwag mo na hahawakan yung selpon ha?"
Pinagpawisan kami ng bongga ni hubby kasi nga pareho kaming natakot baka nga ma-PUK yung phone. At nung 3rd attempt na: pumikit nalang ako at sabay sabi sana tama...pero MALI parin! Kaloka! Buti nalang, sa phone lock lang pala yun...at nung 7th attempt ko na...BOOM! Na-unlock siya!!!
Okay, all's well that ends well. Nag-init nga ulo ko...pero buti nalang talaga di na-PUK yung phone. Di ko alam ba't may password talaga yung phone, kahit balibaliktarin ko yung settings, wala naman nakalagay na naka-on or nakaset siya. Hmmm...iniisip ko baka may napindot siyang i-sync or apps na nag-aautomatic na ganun. Kabataan nga naman...bat ba ang gagaling ng mga bata sa gadgets ngayon??