Yehey!!! Makakapag-wholesome blog na rin sa wakas!
Hehe, napansin ko kasi yung mga latest blogs ko puro SPG ang theme. Actually, wala namang masama dun, katuwaan lang naman, pero gusto ko din naman na hindi puro SPG para hindi nakakasawa.
Mejo give up na nga sana ako sa paggawa ng hindi SPG na blog kaso bigla namang nagka-inspiration, so ayos na rin.
Ang inspiration sa blog na ito ay ang isang video ng Pixar na ang title ay "Lava". Love na love ko ang video na itey. Nakakapa-happy na nakakaiyak na ewan. Basta. Emotions galore. Panoorin mo na lang para makarelate ka:
Kailangan kong i-mention na naiyak ako ng literal. As in with tears flowing ang peg. Siguro nagtataka ka bakit umiyak ako sa isang cartoon na tungkol lang naman sa volcanoes. Actually, mababaw lang talaga luha ko. Mababaw din kaligayahan ko. Ganun akong klaseng tao. Lahat ng emosyon dapat todo todo para feel na feel.
Pero pagtingin ko sa comments sa youtube nalaman ko na hindi lang pala ako ang napaemote ng video na yan. Ang matindi pa eh nung nalaman ko na ang inspiration para sa video na yan ay si Israel Kamakawiwoʻole.
Kaloka ang name diba? Pero yang si Israel chorva chorva na yan ang kumanta ng nakakakilabot na version ng Over the Rainbow/What a Wonderful World. Morbidly obese siya na tao (oo, yan ang tamang term, harsh man pakinggan, yun tlga si kuya. Jubey overload.) so hindi din nakakapagtaka na maaga siya na tegi.
Kaya tuloy naiimagine ko na yung unang volcano ay si Israel at ang girl volcano ay si wifey niya. At ang totoong ending ay tragic pa din since widow na ngayon si wifey. Ayun tuloy lalong sumakit ang heart ko sa video. Waaaah. Heartbreak overload.