Na try nyo na ba magpa-putok ng Pop Pop? Hahaha! Ako oo pero medyo matagal tagal na yun. Tanda ko pa eh Grade 6 pa ko nun. Dahil matanda na ko ngayon di ko na sya nata-try saka wala na ko nakiktiang nagbebenta nito. Naalala ko pa sa bakery ko pa to binibili dati tuwing malapit na mag December!
Naalala ko pa habang nasa salas si mama ko naghagis ako ngPop Pop! Yun gulat na gulat! Hahaha!
Anyway ang dahilan talaga kung bakit ko gusto mabili ng Pop Pop kahit na illegal na sya eh dahil sa pusa. Pending experiment ko tuloy to. Gusto ko makita expression ng pusa kapag naghagis ako ng Pop Pop malapit sakanya. Tutal wala namang sakit kapag natamaan ka neto eh. I know this is cruel hahaha pero malambot ang puso ko sa cat. May isang stray cat kasi na palaging pumapasok sa loob ng bahay namin. Ang target place eh yung kitchen. Ang nakaka badtrip pa dito eh kapag binugaw mo paalis eh tatakbo then hihinto minsan (minsan near sofa, love na love ko pa naman ang sofa) kung hindi mo sinundan ang pangbubugaw eh mag-wiwisik na wiwi bago tuluyang makalabas. Feeling ko nga eh may utak tao tong pusa na to. Marunong pang mampikon! Hahaha!
Anyway walang kasiguraduhan kung magagwa ko to. As of now madalang ko na makita yung pusa. Higit sa lahat no damage done sa sofa. Btw, mahilig ako sa cats pero ayoko nung pusanggala maliban na lang kung iaadopt ko at lilinisan :D
So this is one of my worst encounter with an animal! The photo above is not the actual cat! Haha!