Nangyari to noong high school ako. Sa Isabela kasi ito ako nag high school. Eh may mga bagtit dun kung tawagin namin.
Bagtit - Ilocano term for baliw.
Yung mga bagtit na to malayang nakaka roam around within the area. Minsan pini-pick up sila ng LGU siguro para irehabilitate pero binabalik din sila sa kung saan sila nakita after tapos ganun parin baliw parin sila pero nabawasan kahit papano.
One day naglalakad akom may isang kilalang baliw dun Elena ang pangalan. Inosenteng naglalakad lang ako para bumili then bigla nagsisigaw, Di ko alam kung bakit. Yun pala papunta sakin sasapak sapakin ako. Sobrang kaba at takot napatakbo ako. Maraming nakakitang tao. Nahiya ako kasi feeling ko iniisip ng mga tao sa paligid may na trigger ako na siyang ikina-bagtit ulit ng bagit. Hahaha!