Your 6 Facebook Friends

Posted on at



 


1. Yung friend mong bibili ng damit at excited hindi dahil may pupuntahang event, kundi dahil may ipopost na naman syang ‪#‎ootd‬ ‪#‎notd‬.


Yung kahit namumuti na mata sa gutom uunahin pa ang pagpicture ng pagkain para maipost hashtag foodporn hashtag no filter. Nakakabusog ang likes at comments?


2. Yung friend mong puro cleavage at legs ang pinopost.


Yung totoo teh shrek ka ba? Try mo ipost din mukha mo lang. Yung 1x1 na peg at hindi puro dibdib mo. Tapos magcacaption ka pa ng Bible verse. Jusmiyo Marimar.



3. Yung friend mong nakikipag away sa jowa nya sa Facebook.


Sa FB talaga eh no? Pwede naman in person. O sa chat. Hindi naman required na isapubliko ang sama ng loob nyo sa isat isa dahil lang hindi ka nya sinubuan ng siomai nung minsang nagmeryenda kayo sa Master Siomai, o kaya dahil ni-like nya ang picture ni Angel Locsin. Tapos magagalit kapag may nangialam. Duuuuuuuuuuuuuuh! Malamang marami sasawsaw.


4. Yung friend mong walang friend.


Seriously teh wala ka bang makausap? Lahat ng ginagawa pinopost: eating now, BURP, sleeping now, najejebs me dito sa mall huhu, kakatapos lang maglinis ng banyo. Tapos sya na rin ang magcocomment at maglalike nito. Hihihihihi. Umm ano gusto mo gawin namin? Gawan ka documentary? Muntik ka nang gawan ni ate Charo ng episode sa MMK.


5. Yung friend mong galit sa mundo, madrama at bitter.


Teh may taniman ba kayo ng ampalaya? Araw araw siguro umaani ano? Tapos yung mga malakas maka- feeling brokenhearted huhuhuhuhu tapos may picture na umiiyak. Actually ako to. Minus the pic. MUHAHA


6. Yung friend mong j3hj3m0nz.


Sya ang salarin kung bh@k1t munt!k k@ n@nG mh@g siCk L3aV3 dahil sa sakit ng ulo pagkatapos mo basahin yung status nya.


 


 


May mga friends din b kayong ganito?




About the author

160